Pagbuo ng 120 korte kada taon, target ng gobyerno

HALOS 120 korte kada taon ang target ng pamahalaan upang matugunan ang tambak na kaso sa hudikatura.

Ayon kay Senador Francis Escudero, naipasa na nila ang panukalang batas na makalilikha ng 71 courts ngayong taon bilang paunang batch.

Sinabi ni Escudero na sinisikap nilang mailapit ang mga korte sa bawat lugar upang mabawasan ang gastusin ng mga nagsasakdal at nasasakdal.

Nadiskubre ng Judicial and Bar Council (JBC) na tila inipit ng nagdaang pamunuan ng Korte Suprema ang budget sa pagbuo ng mga korte.

Sinabi ni  Escudero na natuklusan nilang dahan-dahan sa pagbuo ng korte ang Kataas-Taasang Hukuman para mako-convert nila sa savings ang nakalaang budget at magastos sa ibang bagay.

Ipinagmalaki naman ni Escudero na may dalawang bagay na nagbago sa pagpasok ng kasalukuyang Korte Suprema sa pamumuno ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Una umano rito ay ‘wala ng savings’ na magko-convert ng budget at ang pagkakasama ng probisyon ng batas na ilalabas lamang ang budget para sa pagbuo ng mga korte kapag ‘actual’ na binuo na ang korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply