Pagdaong ng nuclear submarine sa bansa, tinututulan

TINUTUTULAN ng Gabriela Women’s Party ang anila’y walang sagkang pagdaong ng mga barko at submarinong de-nukleyar sa bansa.

Ayon kay Gabriela congresswoman Luz Ilagan, ibinalik ng administrasyong Aquino ang Pilipinas pabalik sa panahong naririto pa ang mga baseng militar ng Estados Unidos.

Dagdag ng kongresista, ito ay tandisang paglabag sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Ilagan, ramdam na ramdam ang kaisipang militarista ni Aquino, bagay na nagsasamantala rin sa kababaihang nabubulid sa prostitusyon dahil sa presensya ng maraming dayuhang sundalo.

Hindi rind aw sinusunod ni Aquino ang kanyang sariling pangakong ipapa-rebisa ang Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. #

Ang ating ikalawang balita, mga manggagawa, tinuligsa ang Department of Labor hinggil sa two-tiered wage system

Nagprotesta ang daan-daang manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno o KMU sa tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE kahapon laban sa two-tiered wage system.

Ayon sa grupo, isang wage cut ang gustong ipatupad ng DOLE sa bagong sistema ng pasahod dahil isasantabi nito pati na ang mababang minimum wage ng mga bagong manggagawa.

Karamihan ng mga manggagawang nagprotesta ay galing sa Timog Katagalugan kung saan unang ipinatupad ang two-tiered wage system.

Kaalinsabay nito, nangako ang KMU na magiging madalas ang kanilang pagkilos upang isulong ang 125 across the board wage increase para sa mga obrero.

Nanawagan ang KMU sa mamamayang Pilipino na samahan sila sa kanilang panawagan upang mai-angat ang kabuhayan ng karaniwang Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply