Paggamit ng de-gasolinang sasakyan limitahan

LILINIS ng hanggang 70 porsiyento ang hangin sa Metro Manila kung maiiwasan lang ang paggamit ng sasakyang de-gasolina sa mga maiiksing biyahe o short distance travel.

Ito ang pahayag ng isang negosyante na nagsabing malaki rin kasi ang naiaambag ng paggamit ng de-gasolinang sasakyan kahit na malapit lamang o hindi hihigit sa isang kilometro ang biyahe ng motorista.

“Seventy percent of the air (in Metro Manila) will be cleaner if we will limit using vehicles na ginagamitan ng gasolina sa mga short distance travel,” ayon pa kay Tanya Lei, sales director ng Segway Philippines.

Aniya, kung maglalakad o magbibisikleta ang mga taga-Metro Manila sa halip na mag-motor, sumakay sa tricycle, jeepney at iba pang pampasaherong sasakyan, o magkotse tiyak na malilinis ang hangin sa National Capital Region.

Maaari rin naman silang gumamit ng sasakyang pinatatakbo ng elektrisidad tulad ng Segway na dinala umano ng kanilang kompanya rito sa Pilipinas para maging kahalili ng sasakyang de-gasolina.

“Actually our real purpose is for the environment to help clean the air nung nagpunta kami ng asawa ko sa Europe we discovered that almost every yuppy there is already using Segway at dito kami nagkaroon ng idea na dalhin itong technology na ito rito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Lei.

Ang Segway ay isang uri ng sasakyan na pang-isang tao, may dalawang gulong at manibela na halos tulad ng sa motor, nakatayo lang ang sasakay dito at dapat na marunong bumalanse.

Sa kasalukuyan, naiprisinta na ang Segway sa Philippine National Police (PNP) at nakatakda rin itong iprisinta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sapagkat angkop ang Segway na gamitin ng mga unipormadong kawani ng gobyerno dahil kahit maliliit na iskinita at matatarik na bundok ay kaya nitong pasukin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply