Paggamit ng PCOS machines, tuloy

WALA na umanong makapipigil sa paggamit ng Commission on Elections (Comelec) ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa 2013 midterm elections.

Ito ang tiniyak ni Comelec Spokesman James Jimenez, sa kabila nang patuloy na pagtutol ng ilang kritiko ng poll body sa paggamit ng PCOS machines.

Sinabi naman ni Jimenez na welcome sa kanila ang mga naturang kritiko.

Siniguro rin niya na hindi binabalewala ng Comelec ang mga sinasabi ng mga kritiko na posibleng maging problema sa halalan dahil sa PCOS machines.

Pagtiyak pa ni Jimenez, pinag-aaralan na nila kung paano maiwawasto ang mga naturang problema.

“In fact may mga nakikipagtulungan na sa amin, at ginagamit naming input para makatulong kung papaano pa lalong maiaayos,” ayon pa kay Jimenez, sa ginawa nitong pagdalo sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan nitong Linggo.

Samantala, sinabi ni Jimenez na wala na rin silang problema sa warehouse na paglalagakan ng mahigit 82,000 PCOS machines.

Ito’y sa kabila nang pagkabigo ng second bidding para sa warehouse.

Paliwanag ni Jimenez, mayroon na silang nakuhang paglalagyan sa mga PCOS ngunit mas mahal nga lamang aniya ang gastos sa pagrenta.

“Sa tingin naming, tuloy tuloy na ito at napatunayan na naman na nagkaroon ng mabilis at malinis na halalan ng gamitin ang mga PCOS machines,” ayon pa kay Jimenez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply