Paghahanap ng associate justice ng SC bukas na

SISIMULAN na ang paghahanap ng bagong associate justice ng Korte Suprema bukas.

Ayon kay Judicial and Bar Council (JBC) member Atty. Jose Mejia kanila nang ilalathala bukas ang opisyal na pagbubukas ng kanilang lupon para sa nominasyon at aplikasyon para sa nabakanteng posisyon ni dating Associate Justice at ngayo’y Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Mejia na ang publication para sa naturang posisyon ay isang araw lamang.

Bibigyan naman ng 10 araw ang mga aspirante sa posisyon na makapagsumite ng kanilang apliksyon o nominasyon na kahalintulad din ng nakaraang proseso sa paghahanap ng nominado ng susunod na punong mahistrado

Bibigyan din ng pagkakataon ang publiko na maghain ng kanilang reklamo, oposisyon o komento sa mga aplikante.

Ang mga mag-aaplay ay kailangang nasa edad na 40, Filipino citizen, may 15 taon nang karanasan bilang abogado o miyembro ng judiciary at dapat walang mga kasong kinakaharap.

Kaugnay nito, inihayag ng JBC na posibleng magkaroon din ng live coverage sa panel interview ng mga nominado sa pagka-associate justice ng Korte Suprema.

“Bubuksan ulit ito sa publiko, inaasahan nating magkakaroon ulit ng public live coverage… kung news worthy ika nga.” wika ni Mejia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply