Paghahanda ng Comelec sa 2013 polls puspusan na

TODO-KAYOD na ngayon ang Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda para sa nalalapit na 2013 mid-term elections.

Kasabay nito, inihayag na ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay nakatakda mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 5.

Ayon kay Brillantes, minamadali na rin nila sa ngayon ang pagre-review sa mga party-list group at mga nominado ng mga ito upang mailabas na ang listahan sa Setyembre 30.

Maliban sa mga halal na opisyal, ang mga taong nagtatrabaho sa pamahalaan ay ikinukonsiderang magbitiw sa serbisyo sa sandaling maghain na sila ng COCs.

Kabilang dito ang mga nasa appointed government positions, mga pulis, mga sundalo, mga guro at iba pang state workers.

Mayroon naman umano silang tatlong buwan para tumanggap ng mga petition for disqualification na isasampa sa mga kandidato.

Target umano nilang maipalabas ang pinal na listahan ng mga kuwalipikadong kandidato at party-list groups sa buwan ng Disyembre.

Nais umano kasi nilang pagsapit ng Enero ay malinis na ang kanilang listahan at handa na rin sila para sa configuration ng mga balota.

Ani Brillantes, ayaw nilang late maisagawa ang pag-iimprenta ng balota tulad nang naganap noong huling halalan.

Aniya, napakarami nilang trabahong dapat gawin kaya’t nais nilang simulan ang trabaho ng maaga.

Naghahanda na rin kasi umano sila para sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na dapat sana’y isasagawa noong Agosto 2011 ngunit ipinasyang isabay na sa 2013 polls.

Sinabi ni Brillantes na ayaw nilang madaliin ang mga trabaho sa susunod na taon dahil posibleng maging dahilan lang ito ng maraming problema.

“Our workload is really heavy so we want to do things early. We don’t want to rush things next year because it may lead to so many problems. We want the elections to go on smoothly and orderly,” anang Comelec chief.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply