Paghaharap ng Morong 43 at CGMA naudlot

NAUNSIYAMI ang nakatakda paghaharap ng Morong 43 at dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapaga-Arroyoay ng ipagpaliban  ng korte ang pagdinig sa kasong P15 milyong damage suit na isinampa laban sa dating Pangulo.

Ayon kay Clerk in Charge in civil cases Shiela Bombay, kahapon ng alas10:00 ng umaga ay ipinagpaliban muna ni Judge Afable Cajigal ng QCRTC branch 96 ang pagdinig sa kaso dahil kinakailangan pa itong pag-aralan ng bagong talagang hukom,

Gayunman, inatasan ni Judge Cajigal ag kampo ng nagreklamo na maghain ng kanilang kasagutan sa motion for reconsideration ni Arroyo.

Samantala, itinakda naman ni Judge Cajigal sa Nov. 23 ang pre-trial conference sa nasabing kaso.

Ito na ang ikalawang paglilipat ng kaso ng Morong 43 mula kay Judge Agustin Padilla matapos namang maitalaga itong Justice ng Court of Appeals ay nailipat ito kay Judge Cleto Villacorta na nag-inhibit naman sa paghawak ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply