Pagkakasangkot ng Obispo sa ‘Ivory trade’, sasagutin ng Simbahan

NAGHUGAS kamay si Cebu Archbishop Jose Palma kaugnay sa pagkakadawit ng isang opisyal ng simbahang Katolika sa Cebu hinggil sa isyu ng “ivory trade” na ibinulgar sa isang isyu ng  National Geographic Magazine na ilalabas sa susunod na buwan.

Ayon kay Palma, alam niya ang nasabing isyu at nakahanda itong sagutin para maipaliwanag sa publiko.

Batay sa inilathala ng magazine, tinukoy si Msgr. Cristobal Garcia bilang isa sa kilalang kolektor ng mga imahen na gawa sa ivory kabilang na ang Sto Niño icon na alam nito kung sino ang mga pinakakilala  sa ivory carvings sa bansa.

Ang investigative article sa magazine na pinamagatang ‘ivory worship’ ay tungkol sa dekada nang problema sa pagkatay ng mga elepante sa Africa para ibenta ang ivory tusk nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply