Pagkamatay ng 4 katao sa Ali Mall, pinaiimbestigahan ng IOHSAD sa DOLE

PINAIIMBESTIGAHAN ng Institute for Occupational Health and Safety Development o IOHSAD sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkamatay ng apat na manggagawa na sinasabing nalunod hanggang sa namatay sa loob ng pozonegro ng Ali Mall, sa Cubao, Quezon City.

Hiniling ng grupo sa kanilang apela kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na alamin kung sinong opisyal o bahagi ng management  ng Ali Mall ang nagpahintulot sa apat na biktima na magtrabaho nang walang sapat na safety gear.

“The investigation must ascertain who among the management of Ali Mall allowed the workers to enter the work premises without the proper work attire and safety gear”, ayon kay Noel Colina,  executive director ng IOHSAD.

Ayon pa kay Colina, nalaman ng kanilang grupo  na kulang sa safety devices ang work site sa naturang mall na isang tuwirang paglabag sa itinatadhana ng batas.

“Rule 1121 of the Occupational Safety and Health Standards (OSHS) of the Philippines identifies working in underground tanks and confined spaces as hazardous work and provides standard operating procedures before any work should be done”, paliwanag ni Colina.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply