Pagkamatay ng 4 na manggagawa sa Ali Mall, dahil sa kapabayaan

KINOKONDENA ng isang grupo ng mga manggagawa ang umano’y kapabayaan ng gobyerno sa pagkamatay ng apat na manggagawang nalunod sa loob ng poso negro ng Ali Mall sa Cubao, Lungsod Quezon noong Agosto 30.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, walang gamit pangkaligtasan ang mga manggagawa habang pumasok sa isang sarado at delikadong lugar.

Ang ganitong kalakaran ay bunsod ng Department of Labor and Employment Order number 57-04 kung saan pinapayagan ang mga maliliit na bilang ng manggagawa na gumawa ng sariling patakarang nagkokompromiso naman sa kanilang kaligtasan, dagdag ng labor center.

Nananawagan ang KMU na ipasa ng gubyerno ang isang komprehensibong batas patungkol sa occupational safety and standards ng mga maggagawa.

Hinamon din ng KMU ang gubyerno na papanagutin ang lahat ng may sala sa kamatayan ng apat na manggagawa sa Ali Mall .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply