Pagkansela ng lisensiya ni Carabuena nakadepende sa MMDA resolution

MATAPOS isnabin sa pamamagitan ng hindi pagsusumite ng kanyang paliwanag, nakadepende na lang sa resolusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kaso ni Robert Blair Carabuena kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanyang driver’s license dahil sa pananakit sa isang MMDA traffic enforcer nitong nakaraang buwan.

Sinabi ni LTO Metro Manila head Teofilo Guadiz III na hindi naiere ni Carabuena ang kanyang panig kasunod ng August 11 incident.

Hiniling ng MMDA sa LTO na i-revoke ang driver’s license ni Carabuena matapos atakehin si MMDA constable Saturnino Fabros sa Quezon City nitong Agusto 11.

Humingi na ng tawad si Carabuena kay Fabros at sa MMDA sanhi ng insidente, pero sinabi ni Fabros na kahit napatawad na niya ito, hindi iuurong ang kaso laban dito.

Samantala, hiniling naman ng kampo ni Carabuena sa Quezon City Prosecutor’s Office na i-delay ang ikakasang  preliminary hearing hinggil sa assault charge na isinampa laban sa kanya.

Ayon sa ulat, humingi ang mga abugado ni Carabuena ng tatlo pang araw para sa pagsusumite ng isang counter-affidavit, kaya naiurong sa Huwebes ang preliminary investigation ng naturang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply