Pagkilala sa matagumpay na Pinoy animator

“ANG career ng isang artist ay walang hangganan ‘yan.” Ito ang salitang tumatak sa aking isipan nang minsan kong makapanayam ang kilalang animator na si Gerry Garcia.

Sa rami ng aking nakasalamuha at nakapanayam sa iba’t ibang bansa ay mapalad ako sapagkat nakilala at nakausap ko ang animator artist na si Gerry Garcia.

Sa kanyang galing at husay, maging sa karangalan na naibigay niya sa ating bansa at sa mga bagay na kanyang nalikha noong siya ay nabubuhay pa, ay sino nga ba ang hindi hahanga sa Pinoy animator na ito?

Nakilala si Gerry bilang isa sa mga haligi ng Pinoy animation industry. Siya ang gumawa ng pinakaunang cartoon sa telebisyon na gawang Pinoy- Ang Panday. Gayundin ang pinakaunang Pinoy full length animated feature film ang- Adarna.

Ikinuwento ni Gerry noon sa New York ang ilang detalye ng kanyang buhay at tagumpay bilang isang tanyag na animator na kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Nasa Pilipinas pa lamang ay nagtatrabaho na sa mundo ng animation si Gerry, isa siyang independent animator na gumagawa ng mga optical effect sa pelikula, telebisyon at commercial. Nagtrabaho rin siya bilang isang set designer.

Bagama’t maituturing na matagumpay at kilala sa kanyang linya si Gerry rito sa Pilipinas, taong 1998 ay nagdesisyon siyang magtungo sa Amerika, kasama ang kanyang pamilya, upang doon manirahan at magtrabaho.

Tila isang pagsisimula ulit sa kanyang career ang nangyari sa kanya. Baon lamang ang lakas ng loob, nag-apply siya ng trabaho sa iba’t ibang kompanya roon.

Dahil sa nakitaan ng galing at husay sa animation, agad siyang nakakuha ng trabaho, kung saan namulat siya sa makabagong pa-raan na ginagamit sa animation sa pamamagitan ng mga high-tech na kagamitan.

Likas kay Gerry ang pagkakaroon ng extraordinary talent bilang artist, kung kaya’t hindi lamang pagiging animator ang naging trabaho niya sa New York, pati commercial ay napasok niya.

Naipakita niya sa mga banyaga ang potensyal ng mga Pinoy Animator.

Ang kanyang mga gawa ay hinangaan at kinilala maging sa iba pang mga bansa. Ang Adarna animation na kanyang ginawa ay napili sa Japan upang ibilang sa Asian collection.

Nailathala rin at kinilala sa ilang kilalang magazine ang kanyang mga obra.

Ang matagumpay na kwento ng buhay ni Gerry Garcia, ay patuloy na magiging inspirasyon at hamon sa bawat taong nakakakilala sa kanya at sa kanyang mga gawa bilang isang animator.  Lalo na sa mga nagsisikap na maging matagumpay sa ganitong larangan.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply