Paglaglag ng LP kay Tañada, kinondena ng Bayan Muna

KINALAMPAG ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang Liberal Party dahil sa mistulang pagbasura sa kandidatura ng isa sa mga stalwarts nito na si House Deptuy Speaker at Quezon Rep. Lorenzo ‘Erin’ Tañada.

“Ang mga tulad ni Erin ang kailangan natin sa Senado sa ngayon, maganda ang track record, walang bahid at tumitindig para sa tunay na interes ng mamamayan,” ayon kay Colmenares.

Giit ni Colmenares na mukhang mas inuna ng LP ang mga kandidatong makapag-aambag ng malaking pondo sa partido.

Ayon pa sa kongresista, hindi makatarungan ang pananabla ng LP kay Tanada gayung kapag gustong isama sa senatorial slate, kahit mali ay nagagawan ng paraan.

“As for Bayan Muna and Makabayan being clean and upright are what we consider important, dapat palaging interes ng mamamayan ang inuuna.”

Dapat na rin, aniyang, buwagin ang naging kultura na kung sino lang ang may pangalan, kung sino lang ang may kaanak na nakaupong senador ay siya pa rin ang dapat na kumandidato at maupo.

Nakakadismaya ayon kay Colmenares na hindi man lamang pinahalagahan ng LP ang pagiging totoong miembro ng LP ni Tanada dahil mas kinatigan ang mga mapagpanggap lamang.

“Ang dating talaga e may favouritism ang Liberal party at hindi yun ang mga kilalalang naglilingkod talaga sa bayan, mukhang mas ok sa kanila yung mga nagpapanggap o pumupustura lang,” giit pa ni Colmenares.

Si Tanada ay matagal ng nagparamdam na siya ay tatakbong senador sa 2013 subalit kung hindi, aniya, siya maisasama sa slate ng LP ay uurong siya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply