Paglalagay ng seguridad sa tanggapan ni Robredo, ‘wag palakihin – De Lima

HINDI na dapat palakihin pa ang isyu ng paglalagay ng seguridad sa tanggapan ng yumaong si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ito ay dahil na rin sa mga iba’t-ibang impormasyon na pinalulutang ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay de Lima, hindi niya maintindihan kung bakit pinalalaki pa ang isyu gayong prerogative naman ng Pangulo ang magbigay ng kautusan sa kanyang mga tauhan katulad nang paglalagay ng seguridad sa tanggapan ng dating kalihim.

Kaugnay nito, nilinaw ni de Lima na hindi lamang siya ang nag-secure ng mga opisina ni Robredo.

Anang kalihim, nai-secure na ni Undersecretary Rico Puno noon pang Agosto 19, ng umaga ang mga tanggapan ng yumaong dating DILG Secretary Robredo.

Habang si de Lima naman ang nagsagawa ng sealing pagsapit ng hapon na sinaksihan naman ni Puno.

Sinabi pa ni de Lima na ang paglalabas ng mga dokumento sa tanggapan ni Robredo ay hindi iniutos ng Pangulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply