Paglalagay ng ‘tao’ ni Mar sa PNP aprub kay PNoy

MAY go signal ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglalagay ng sariling tao ni incoming DILG Secretary Mar Roxas sa Philippine National Police (PNP).

Subalit nilinaw ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na bagama’t malaya si Roxas na maglagay ng sarili niyang tao sa PNP ay may pinal na desisyon pa rin si Pangulong Aquino sa bagay na ito.

Sa ulat, nagsimula na ang matinding lobbying campaign sa kung sino ang susunod na hepe ng National Police, kung saan sa kampo ni Roxas ay suportado ang isang kandidato mula sa 1984 graduating class ng Philippine Military Academy.

Napag-alaman din na si Roxas at ang Liberal Party ay nagha-hire ng “Ilonggo generals” bilang consultants ng Kalihim bilang paghahanda sa presidential bid nito sa 2016.

Nagsimula ang pagla-lobby sa nasabing posisyon nang mapag-alaman ng kampo ni Roxas na pinaboran ni Pangulong Aquino si PNP Deputy Director General Allan Purisima, miyembro ng Class 81 at dating close-in security officer ni dating Pangulong Corazon Aquino, na maging susunod na PNP chief at papalit kay Director General Nicanor Bartolome na nakatakda namang magretiro sa Marso 2013, dalawang buwan bago pa ang mid-term elections.

Kapwa suportado nina Roxas at ng mga taga-Liberal Party si Chief Supt. Raul Petrasanta, hepe ng Firearms and Explosives Division, at isang miyembro ng Batch 84, na siyang nag-“adopt” kay Roxas bilang honorary member ng class na ito.

Bahagi rin ng pagla-lobby ng LP ay ang mga dating police general na sina dating PNP chief Robert Lastimoso, Robert Delfin at Rex Piad.

“The former Ilonggo generals still wield power and influence over the PNP forces and they had worked closely with local government units during their stints in the PNP,” ayon pa rin sa ulat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply