Paglilinis sa Manila Bay dapat suportahan ng mamamayan

Ayon kay DENR Secretary Ramon “JP” Paje “Kung nais natin ng maganda, maayos at higit sa lahat, malinis na kapaligiran, disiplina ang ating kailangan”.

Dahil sa basura, tayo mismo ang nagdurusa. Ito ang mga basurang nagagawa natin sa araw–araw na pamumuhay.

Noong nakaraang Agosto 25, 2012, nagkaroon ng sama–samang paglilinis sa Manila Bay:

1. Land Bank of the Philippines –  President & CEO Gil-da E. Pico.

2. Manila Bay SUNSET Partnership Program.

3. Manila Broadcasting Company (MBC) / DZRH.

4. MMDA GM Corazon Jimenez.

5. Manila Mayor Alfredo Lim.

6. Manila Department of Public Safety.

7. Teacher Partylist Rep. Juliet Cortuna.

8. DENR-MBCO Executive Director Noel Antonio Gaerlan.

9. Philippine Navy and Fleet Marines.

Walang tigil sa paglilinis sa Manila Bay ang lahat ng naturang mga samahan upang mapabuti ang lagay ng ating kapaligiran at makaiwas ang tao sa mga kapahamakan na dulot ng sobra–sobrang basura na nagkalat sa ating kapaligiran.

Sa tuwing maglilinis ng basura ang mga kinauukulan, hindi birong gastos ang inilalaan ng pamahalaan upang tustusan ang pag–iipon sa basura. Kakailanganin ng mga tao na gagawa ang libo–libong sako na lalagyan ng basura, gasoline para sa mga trash boat na binili ng pamahalaan upang mangolekta sa paglilinis, kaya tunay namang malaking gastos at panahon ito.

Ang nakalulungkot dito, imbes na mapunta na lang ang malaking gastos na ito sa mga proyekto ng gobyerno para sa mahihirap na mamamayan, ay dito nga sa paglilinis ng basura napupunta.

Bakit ganito? Ito ay sa kadahilanang walang malasakit ang iba sa pagpupunyagi ng gobyerno na malinis ang paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>