Paglilipat ng mga guro na walang pahintulot, inalmahan

ISINIWALAT ni ACT Teachers’ Party congressman Antonio Tinio ang plano ng gubyerno na ilipat ang mga guro ng eskwelahan kahit wala silang pahintulot.

Ayon kay Tinio, nakasingit sa pinag-uusapang badyet para sa Department of Education para sa susunod na taon ang pagbibigay kapangyarihan sa mga Division Superintendent na ilipat ang mga guro.

Paliwanag ng ACT, labag ito sa Section 6 ng Magna Carta for Public School Teachers na nagsasabing kailangan ng pahintulot ng guro kung ililipat siya ng eskwelahan.

Dagdag ni Tinio, isa ito sa pinakamahalagang karapatan ng mga guro dahil hindi makatarungang ilipat sila sa isang malayong eskwelahan mula sa kanilang tirahan.

Masyado rin umanong bibigyang kapangyarihan ang mga superintendent kung saan nila ilalagay ang guro, kahit yung mga gusto nilang parusahan sa anumang kadahilanan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply