Paglinis sa PNP, tiniyak ni NCRPO Chief Gen. Espina

TINIYAK ni incoming National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Gen. Leonardo Espina na magtutulungan ang buong organisasyon para malinis ang hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ang pagtitiyak ni Espina ay kasunod ng tangkang pangongotong ng dalawang pulis sa kanyang anak.

Sinabi ni Espina na iniimbestigahan na nina Quezon City Police District Dir. Mario Dela Vega ang insidente at ni-relieve na rin ang mga sangkot na pulis.

Samantala, idinipensa naman ng Malacañang ang PNP matapos kalampagin ng minorya sa Kamara dahil sa tumataas na crime rate sa Metro Manila.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, alam ng PNP ang sitwasyon at may ginagawa nang hakbang ang mga ito upang maresolba ang problema.

Dagdag pa ni Valte, batid na rin ng PNP kung kailangang dagdagan ang presensya ng mga pulis sa isang lugar upang masawata ang mga krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply