Pagpalit ng pangalan ng South China Sea, inalmahan ng China

NILINAW ng Department of Foreign Affairs na ang pinangalanan ng pamahalaan na West Philippine Sea ay ang mga teritoryo na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas,at hindi pinalitan ang South China Sea.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, ang naturang hakbang ay isang pagpapakita ng karapatan ng bansa na tukuyin at pangalanan ang mga lugar na nasa loob ng ating nasasakupang katubigan, at naaayon sa mga batas ng Pilipinas at international law ,lalo na sa United Convention on the Law of the Sea.

Ito ay matapos magpahayag ang China hinggil sa pagpapangalan ng Pilipinas sa isang bahagi ng South China Sea na West Philippine Sea .

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokeperson Hong Lei , hindi makaka-apekto sa soberenya ng China ang ginawang pagpapangalan ng Pilipinas sa South China Sea .
Mananatili umanong pag-aari ng China ang Nansha (spratlys)Islands at Panatag Shoal, o Huangyan Island. Sinabi ni Hong na ang pangalang South China Sea ay matagal ng alam sa buong mundo at tanggap din ng United Nations.

Inanunsyo din ng China na mamarkahan na nila ang mga lugar na sakop nilang protected zones upang maseguro ang kanilang maritime interest katulad ng pagtatayo ng mga istraktura sa dagat kung saan walang nagawa ang Pilipinas kundi tignan at kunan ng litrato mula sa himpapawid.

Naglabas naman ng kautusan ang Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Administrative Order 29, para sa National Mapping and Resource Information Authority na gumawa at magpalimbag ng mga mapa na kasama ang West Philippine Sea sa mga teritoryo ng Pilipinas . Gayundin sa Department of Education , na mag-isyu ng circular at sa Ched na gamitin sa mga researches at pagtuturo ang bagong mapa na kasama ang West Philippine Sea.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply