Pagpapabaya sa namatay na empleyado ng Pasay, pinabulaanan

MARIING pinabulaanan ng director ng Pasay City General Hospital na nagkaroon ng kapabayaan na nagresulta sa pagkamatay ng isang empleyado ng City Hall na biktima ng panghoholdap sa naturang lungsod nitong Setyembre 10.

Kasabay nito, iprinisinta na kahapon ng hapon ni Pasay City Police Chief P/SUPT Samuel P. Turla sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino “Calixto ang dalawang suspek na sina Leo Navarra, at Robert Espidion, kapwa miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na nahaharap sa kasong robbery with homicide sa piskalya.

Ang mga suspek ay naaresto nang personal na magsagawa ng follow-up operation si Supt. Turla, ang bagong itinalagang hepe ng pulisya, kasama ang mga tauhan ng Intelegence Unit at mga tauhan ng Station Investigasyon Detective Management Unit ng Pasay City Police.

Nilinaw ni Pasay City General Hospital Director Jaime Sy na agad na inobserbahan ang kalagayan ng biktimang si Restituto Cruz, para mabigyan ng kaukulang lunas.

Ayon kay Sy, isang malisyosong ulat ang lumalabas laban sa naturang pagamutan para lamang sirain ang gumagandang imahe ng PCGH.

Sinabi pa ni Sy na inilagay ng mga attending nurse sa emergency room at inasikaso ang biktima para bigyan ng lunas nang ma-comatose at mawalan ng malay sanhi ng pagkakabagok ng kanyang ulo.

Ipinaliwanag ni Sy na inaantabayanan ng mga nurse ang resulta ng X-ray na ginawa sa biktima pero ilang minuto ay binawian ito ng buhay.

Naniniwala si Sy na motibong pulitika ang lumabas na ulat at walang kinalaman ang mga doktor sa naturang isyu.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply