Pagpapabitiw kay Roxas sa LP, ayaw ng ilang mambabatas

DINEPENSAHAN ng mga Kongresista ang panawagang magbitiw na sa Liberal Party si Secretary Mar Roxas matapos itong italaga bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Naniniwala si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna na wala umanong rason para magbitiw si Roxas bilang presidente ng LP.

Kasunod na rin ito ng panawagan ng ilang political analysts na mas mainam daw kung magbibitiw si Roxas bilang LP president.

Ang dahilan ng mga analyst, ito’y upang maiwasan ang espekulasyong itinalaga siya ni Pangulong Aquino sa DILG para mapalakas ang partido Liberal.

Makabubuti, ayon kay Tugna, kung hahayaan na lamang ang taumbayan na maghusga kung gagamitin ni Roxas ang posisyon nito sa DILG para mapalawak ang LP.

Ipinunto naman ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na ang pagiging kalihim ni Roxas sa DILG  ay hindi naman political position at hindi basta-bastang magagamit sa pamumulitika.

Ipinayo na lamang nina Tugna at Batocabe kay Roxas na ipagpatuloy ang pagiging transparent upang mapatunayan na hindi politika ang layon ng pagkakatalaga sa kanya sa DILG.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply