Pagpapalabas sa ‘Innocence of Muslims” bawal na

IPINAGBABAWAL na ng Korte Suprema ang pagpapalabas ng kontrobersyal na pelikulang the Innocence of Muslims sa Pilipinas.

Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema na nagbabawal sa pagpapalabas ng nasabing pelikula sa bansa.

Partikular na inatasan ng korte ang Movie and Television Review and Classification Board na tiyaking hindi maipalabas ang Innocence of Muslims sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng SC na hindi nila maaaring pagbawalan ang google at youtube na maipalabas ang nasabing pelikula dahil sa hindi naman ito direktang kasama sa reklamo.

Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang iba’t ibang grupo ng mga muslim sa buong bansa para hilingin na atasan nito ang pamahalaan na huwag maipalabas sa bansa ang nasabing pelikula dahil sa paglapastangan nito sa kanilang relihiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply