Pagpapasigla ng LGUs, itutuloy ni Roxas

MARIING ipinahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na ipagpapatuloy niya ang pagpapalakas sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Roxas, kinakailangan ito dahil ang mga lokal na opisyal ang nangununa sa pagtugon tuwing panahon ng kalamidad at maging sa krimen.

Tiniyak din ni Roxas ang pagsasantabi sa partisan politics para matagumpay na maipatupad ang mga programa ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Mar Roxas sa mabilis na pagkakakumpirma sa kanya ni Senator Miriam Santiago.

Sinabi ni Roxas na nagpapasalamat siya kay Sen. Santiago sa kanyang pagbawi sa pagharang sa kanyang nominasyon.

Ipinaliwanag ni Roxas na mismong ang senadora na rin na nagsabi na naging ‘collateral damage’ lamang siya kaya kinailangang harangin ang kanyang kumpirmasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply