Pagpapatibay sa tulay, gusali pinamamadali

KINALAMPAG ni senadora Loren Legarda ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin ang pag-aaral sa mga infrastructure, lalo na ang mga tulay at iba pang gusali.

Ayon sa senadora, kailangang aksyunan agad ng nasabing ahensya ang mga ito kung kinakailangang patatagin, patibayin at tiyaking nakatayo sa pag-atake ng 7.2 magnitude na lindol.

Ginawa ni Legarda ang kanyang pahayag, matapos yanigin ng 7.7 magnitude na lindol ang Visayas at Mindanao na sumira sa mga kabahayan ng ilang mga kababayan doon.

Dahil dito, muling nagpaalala ang senadora, na palakasin pa ang earthquake preparedness effort ng pamahalaang lokol at national.

Ayon pa kay Legarda, dapat din maging handa ang mga residente ng luzon, partikulard ang Metro Manila.

Giit ng senadora, dapat pagbasehan ang resulta ng pag-aaral ng Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) kung saan sinasabing sa 7.2 magnitude na pagyanig sa Metro Manila, tinatayang 40% ng residential building ang masisira, 35% ng lahat ng public building, mahigit 30 thousand katao ang mamamatay at mahigit 100,000 naman ang masusugatan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply