Pagpapautang sa mahihirap, ipinanukala ni Villar

ISINULONG ni Senador Manny Villar ang isang panukalang humihikayat sa mga microfinance institution na pautangin ang mahihirap na Pilipino upang makapagsimula ng kani-kanilang sariling negosyo.

Sa inihaing Senate Bill 3255 o  “An Act Governing the Creation and Accreditation of Microenterprise Development Institutions (MICRODEVs), ” layunin nito na  tulungan ang mga pilipinong nagnanais na maging entrepreneur.

Naniniwala si Villar, chairman of the Committee on Economic Affairs na mahigit sa 23 milyong mahihirap na Pilipino ang makikinabang sa kanyang panukala sa pamamagitan ng paglalaan ng ‘seed money” para sa pagsisimula ng isang maliit na negosyo.

“After years of hard work, microfinance institutions’ (MFI) mission of poverty alleviation has reached a level of maturity and acceptance in the Philippines, and has been shown to be an effective means to help alleviate poverty and spur microenterprise development,” ani Villar.

Igiiit ng senador, ang kanyang adbokasiya ay tulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng sari-sariling negosyo at maghangad na “boss” at huwag makuntento bilang isang empleyado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply