Pagparehistro sa OAV hanggang October 31 lang

SA kabila ng mahigit 50-araw na lang at matatapos na ang registration period, nagpahayag ng kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na maaabot nito ang isang milyong registrants para sa Overseas Absentee Voting (OAV) na kanilang target na maipatala para sa May 2013 midterm polls.

Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, head ng Committee on Overseas Absentee Voting, kung magtutuloy-tuloy na araw-araw ay makakakuha sila ng 1,000 hanggang 2,000 registrants ay hindi imposibleng maabot nila ang kanilang 1million target.

Base sa datos ng komite, noong 2010 polls, nasa 589,830 na ang naitala nilang overseas absentee voters.

Hanggang nitong Setyembre 7, 2012 naman ay nasa 242,767 na ang mga bagong registrants na nagpatala sa kanila.

Dahil dito, aabot na lamang sa 167,403 registrants ang kailangan ng poll body para maabot ang target nito.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Tagle na hindi na palalawigin pa ang October 31 deadline kaya habang may panahon pa ay dapat na magparehistro na.

Ang OAV registration ay nagsimula noong Nobyembre ng nakaraang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply