Pagpatay sa 2 pulis, kinondena ni Recom

KINONDENA ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagpatay sa dalawang tauhan ng pulisya na pinagbabaril ng dalawang kalalakihan na sinita ng mga ito sa naturang lungsod noong Martes ng umaga.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Echiverri si Sr. Supt. Jude Wilson Santos na agad na magsagawa ng follow-up  operation upang maaresto ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Dondon at Igme na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay Echiverri, dapat na panagutan ng mga suspek ang kanilang ginawang krimen nang sa gayon ay matahimik ang kaluluwa ng mga pinatay na pulis na sina SPO1 Tirzo Roncalez at SPO3 Tom Perez, kapwa nakatalaga sa Barugo Police Station ng Caloocan City Police.

Sa record ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong 10:30 ng umaga nang maganap

ang krimen sa kahabaan ng Phase 8, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kasalukuyang nagpapatrolya ang mga biktima sa naturang lugar nang makita ng mga ito ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo na may kahina-hinalang kilos bukod pa sa nakabukol sa baywang ng mga ito.

Agad na sinita ng dalawang pulis ang mga suspek ngunit sa halip na huminto ay pinatakbo pa ng mga ito ng mabilis ang kanilang motorsiklo hanggang sa makarating sa isang eskinita kung saan ay nagtatakbo na lamang ang mga ito.

Pilit namang sinundan ng dalawang pulis ang mga suspek ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nakakubli lamang ang mga hinahabol na kalalakihan at pagkakita ng mga ito sa mga  biktima ay agad na pinagbabaril.

Nang matiyak ng mga ito na hindi na mabubuhay ang mga pulis ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek kung saan ay kinuha pa ng mga ito ang baril ng dalawang pulis at ilan pang gamit na maaaring mapakinabangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply