Cruz: Pagpili ng usecs ipaubaya kay Mar

IPAUBAYA na lamang kay incoming DILG Sec. Mar Roxas ang pagpili ng mga undersecretary.

Ito ang inihayag ni retired Lingayenm-Dagupan Archbishopo Oscar Cruz kasunod ng hindi nito pagpabor sa pagpapalutang ni Pangulong Benigno Aquino III kay PNP Chief Nicanor Bartolome.

Si Bartolome ay ipapalit umano kay Undersecretary Rico Puno sa DILG.

Sinabi pa ng arsobispo na hindi maipapatupad ang reporma sa ahensya kung ngayon pa lamang aniya ay nagbabanggit na ng pangalan ang Pangulo.

“Paano masasabing may “freehand” ang bagong DILG secretary para maipatupad ang reporma sa ahensya kung ngayon pa lamang ay nagbanggit na ng pangalan ng napupusuan sa puwesto.” ayon pa sa arsobispo.

Matatndaan na pinangunahan ni Cruz ang krusada laban sa jueteng kung saan nakahanda umano itong dumalo muli sa pagdinig sa Senado kung ipatatawag si Puno.

Kanila rin aniyang irerespeto ang mga hawak na dokumento kaugnay sa operasyon ng iligal na numbers game.

Kaugnay nito, nalulungkot naman ang arsobispo dahil sa tagal nang krusada laban sa jueteng  ay hindi pa rin ito napupuksa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply