Pagresolba sa baha sa UST aabot ng taon

MAHIGIT isang taon ang gugugulin sa isasagawang pumping at drainage improvement project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maresolba ang pagbaha sa paligid ng University of Santo Tomas (UST) at mga kalapit na kalsada sa Maynila.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, hindi magiging mabilis ang solusyon sa naturang problema at hindi rin dapat madaliin ito.

“Kasi ang nangyari d’yan, tinaas lahat ng kalye noong mga nakaraang taon at nagkaroon din ng drainage, pero kulang ang drainage capacity.”

“Sana maintindihan nila ‘yung gagawin naming malalaking drainage system, ‘yung tinatawag naming Blumentritt Interceptor, sakop niyan tatlong distrito… kaya it’s not going to be an overnight job.”

Kaugnay nito, una nang iminungkahi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa DPWH na mabilisang pag-aksyon sa pagreresolba ng pagbaha sa UST.

“For the last two years, wala na pong baha sa UST e. Meron lang po kinakabit na malaking drainage ang DPWH, ‘di pa natapos… dapat ‘yung mga kontratista bilisan.”

Pero pakiusap ni Singson, “Inaamin natin, nung huling meeting kay Pangulo, sinabi natin na kailangan nating gawin i-improve ‘yung drainage at pumping system. Kaya sana naman wala nang turuan, ayusin na lang namin.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply