Pagsagip sa mga batang lansangan, paiigtingin ng MMDA

PINALAKAS ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kampanya para sa pagsagip sa mga nanlilimos at maging sa mga street dwellers sa buong Metro Manila.

Sinabi ni MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos na naobserbahan nilang tumataas ang bilang ng mga nanlilimos at street dwellers sa kalakhang Maynila kapag ‘Ber months’.

“Pag ganitong mga ber months ay nagsisismula nang dumami ang mga na-rerescue namin. Yung iba, kapag na rescue na at na process na ng DSWD para ibalik sa kanilang mga probinsya, ay bumabalik sa mga lansangan,” ayon kayCarlos .

Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 3,000 street dwellers ang nasagip ng street dweller care unit ng MMDA sa unang quarter ng taong ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply