Pagsala sa partylists dumaan sa masusing pag-aaral

NAAYON at dumaan sa masusing pag-aaral ang pagsala sa mga partylist na makakasama sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, magiging abala sila ngayon sa pagdinig ng mga inihaing petisyon ng mga partlylist group kasabay ng filling ng Certificate of Candidacy (CoC) na magsisimula na sa Lunes, Oktubre 1na tatagal hanggang sa Biyernes, Oktubre 5.

Sinabi rin ni Brillantes na ang pagkakalaglag ng ibang partylists ay matapos na mabigong masunod ang mga panuntunan o requirements ng komisyon na ginagamit na basehan upang makalahok sa halalan.

Mula kasi sa kabuuang 289 organisasyon ay 17 partylist group ang natanggal sa listahan at nasa 165 na lamang ngayon.

Ayon pa sa Comelec, patuloy ang pag-aaral ng 1st Division at 2nd Division sa resulta ng pagdiskwalipika sa 17 mga partylist group.

Kabilang sa mga bibigyan prayoridad ng Comelec ang disqualification complaint na inihain ng Kontra Daya laban sa Ang Kasangga Partylist ni businessman Teodorico Haresco na dati ay tinawag din na Kasangga ni Gloria noong 2004 elections na una nang kasama sa na-qualify para sa darating na halalan.

Kabilang pa sa listahan na natanggal para sa 2013 midterm elections ay ang 1-Aangat Ka Pinoy, Isa Akong Magsasaka Foundation, Aksyon Mahirap, Aniban ng Magtutubig ng Pilipinas, Aurora Integrated Multi-Purpose Cooperative, Ang Nagkakaisang Alay sa Bayan ng Maka-Diyos at Makabayang Nangangalakal, Sararong Bicolnon, Ako at ang Basura Movement, Alliance for Democracy and Morality-Bantay Pasahero, National Crusaders for Peace and Democracy, Mindanao Allied Forces, Vendors Aggrupation, Philippine Banana Pioneer Foundation Inc. at Bangon Mangingisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply