Pagsibak sa treasurer ng Paranaque City, pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman noong 2006 na pagdismis mula sa serbisyo publiko  ang officer-in-charge ng Paranaque Treasurers Office dahil sa ‘dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service’.

Sinibak na sa serbisyo ang city treasurer ng Paranaque CIty na si Liberato Carabeo dahil sa pagtatago sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng kanyang sari-saring mga ari-arian na una ng kinuwestiyon ng Department of Finance -Revenue Integrity Protection Service noong 2005.

Nagresulta ang desisyon ng Ombudsman sa kasong isinampa ng Dept of Finance RIPS noong 2005 base sa imbestigasyon nito ng mabilis na pagyaman ni Carabeo mula sa P115,975 networth nuong 1981 hanggang P7.5 milyon nuong 2004.

Sa loob ng siyam na taon, natuklasan na bumili si Carabeo at asawa nito ng mga lupain, tatlo sa Laguna , isang 1,000 sq.mt. sa Tagaytay City at 1,500 sq.m sa Cavite City.

Lumabas din sa imbestigasyon na sa talaan ng LTO IT database, maraming sasakyan ang pag-aari ni Carabeo na hindi rin niya idineklara sa kanyang SALN, tulad ng isang 200 model Ford F-150 ,isang 2001 Chev Cassia, isang Mitsubishi Lancer ,isang Honda CRV, 2 Honda City at isang Nissan Sentra.

May club shares din si Carabeo sa Ayala Alabang na nagkakahalaga ng P640,000. Natuklasan din na mula 1996-2004, lumabas ng bansa si Carabeo ng 15 beses na ayon sa DOF RIPS ay malayo sa kakayahan ni Carabeo bilang isang kawani ng city hall at walang kaukulang pagsangguni sa Bureau of Local Government na nasa batas.

Nagsampa rin ng civil action for certiorari si Carabeo laban sa mga tauhan ng Department of Finance parikular sa dating kalihim nito na si Margarito Teves at Ombudsman Simeon Marcelo, subalit nabigo ito ng hindi katigan ng Court of Appeals ang kanyang petisyon at tuluyan na siyang pinasibak sa pwesto. Lumabas ang desisyon ng CA noong July 3.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply