Pagsisikap para sa pangarap

LABIS na pagsisikap ang nagdala sa isang Filipina sa Thailand patungo sa katagumpayang matagal na niyang pinapangarap.

Sa isang lugar sa Thailand na kung tawagin ay Pattaya, nakilala ko ang isang matagumpay na Pinay – si Estella. Ikinuwento niya sa akin kung paano siya nagsumikap upang makaahon sa kahirapan.

Laking probinsya si Estella, ipinanganak at lumaki siya sa Samar, Leyte. Bata pa lamang ay naranasan na niya kung pa-ano subukin ng tadhana nang mamatay ang kanyang mga ma-gulang sa kanyang murang edad.

Sa gulang na pito ay nawalan ng isang ama si Estella at nang makatapos siya ng elementarya ay sumunod sa kanyang ama ang kanyang ina. Sa kanyang pagiging ulilang lubos, ay nakaranas siya ng labis na paghihirap, subalit dahil na rin sa bata pa lang ay
may pangarap at ambisyon na siya.

Hindi niya hinayaan na ilugmok siya ng mga pagsubok ng buhay. Bumangon siya.

Nagtungo ng Maynila si Estella upang doon hanapin ang kanyang kapalaran. Nakarating siya sa Quiapo sa Maynila at nakapagtrabaho roon bilang isang saleslady.

Mula sa kanyang kita ay tinus-tusan niya ang kanyang sariling pag-aaral at nang makatapos ng high school ay kumuha siya ng kursong Secretarial. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala ni Estella ang isang Thai national na naging daan upang makarating siya ng Thailand. Ito na rin ang kanyang napangasawa.

Nang makarating sa Thailand ay agad nakitaan ng kasipagan si Estella. Pumasok siya sa trabaho bilang isang guro roon.

Hindi nagtagal, ay nagbukas sa kanya ang isang oportunidad para magkaroon ng negosyo nang alukin siya ng kaibigan ng kanyang asawa na magtayo ng isang negosyo katabi ng itinayo nitong restaurant.

“Gusto nila na ma-develop itong area na ito na gusto nilang may souvenir. Tinawag nila ako para kami mag-invest dito. Pumayag naman ako pero ang totoo wala naman akong investment,” kuwento niya.

Isang matalik na kaibigan niya ang tumulong upang mabigyang buhay niya ang negosyong antique shop. Pinahiram siya nito ng puhu-nang isang milyon, na hinuhulugan niya kada buwan.

Naging matagumpay ang negosyong antique shop, dinayo ito ng mga turista, mapa-Amerikano o European man ay bumibili rito.

Magmula sa mga Buddha, wood carvings at iba’t ibang pampasuwerte ay makikita at mabibili sa antique shop ni Estella, siya mismo ang pumipili ng kanyang mga paninda. Iniaayon niya ito sa kung ano ang tingin niyang pa-patok sa mga namimili. Hindi nagtagal ay pinasok na rin niya pati ang pagtitinda ng  neckties na siya mismo ang tumatahi at nagdidisenyo. Naka-pagtayo rin siya ng negosyong internet shop at beauty salon.

Unti-unti ngang umangat ang buhay ni Estella dahil sa pagti-tiyaga at pagsisikap niya.

Sa mga kuwento ng tagumpay na gaya ng kay Estella, lagi nating nabibigyang pansin ang tagumpay na tinatamasa ng mga taong gaya niya. Minsan ay nalilimutan natin na sa likod ng pagtatagumpay nila ay matitinding pagsubok sa buhay ang kanilang pinagdaanan at pinagwagian. Hindi sila nagpatalo sa mga ito, bagkus ay nagsikap silang umahon para sa kanilang mga pangarap at hindi nga nagtagal ay inani nila ang bunga ng kanilang pagsisikap para sa pangarap.’Ika nga- No pain, no gain.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply