Pagsuporta ng ilang DLSU profs sa RH Bill minaliit

MINALIIT lang ng isang Catholic priest ang umano’y pagsuporta rin ng ilang professor ng De La Salle University (DLSU) sa Reproductive Health (RH) bill.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), inaasahan na nilang may 47 faculty members ng nabanggit na Catholic school ang umano’y lalabas din upang magpahayag ng suporta sa panukalang batas.

Sinabi ni Castro na hindi sila naaalarma sa naturang aksyon ng mga DLSU professors dahil patunay lang ito na hindi malinaw sa ibang tao ang nilalaman ng RH bill.

Naniniwala rin ang CBCP official na ito’y panibagong istratehiya lamang ng mga RH lobbyists at mga supporters nito para i-pressure ang Kongreso na ipasa na ang panukalang batas.

“We are not in any way alarmed. It only goes to show that the RH bill’s content is not really clear to others,” ani Castro.

Nauna rito, nagpahayag ng suporta sa pagpapasa ng RH bill ang may 160 propesor ng Ateneo De Manila University.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Castro na ang mas mahalaga ay kaisa ng simbahan ang mga taong nagpapatakbo sa mga Catholic institution sa pagtutol sa RH bill.

“It is because the church’s teachings are clear to them and that they know what they’re supposed to do on this issue,” ani Castro.

“They (professors) are contradicting the position of the very institution that they represent. It should really be addressed by their direct employers.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply