Pagtatayo ng SPED centers, pasado na

INAPRUBAHAN na sa ikatlong pagbasa sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na sisiguro sa kapakanan ng mga kabataang may kapansanan, mataas ang IQ at ang may espesyal na pangangailangan sa pamamagitan ng pagkakataong ang mga ito ay maisailalim sa rehabilitasyon.

Sinabi ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy, vice chairperson ng House Committee on Children’s Welfare na umabot sa 197 na mambabatas ang bomotong pabor at walang tumutol sa HB Bills 6547 at 6509 bago pa man nagbakasyon ang Kongreso noong Huwebes.

Nakapaloob sa HB 6547 na inakda ni Herrera-Dy ang pagtatatag ng isang Special Education (SPED) center sa bawat school division sa bansa upang mabigyan ng atensyon ang mga batang may kapansanan subalit may kakayahang mag-aral.

Si Herrera-Dy ay co-authored din ng HB 6509 na nagsusulong naman na makapagpatayo ng rehabilitation centers para sa mga “children with disabilities (CWD)” sa mga siudad at munisipalidad.

“These two bills underscore how important it is for government to help guarantee a better future for young PWDs who are often denied access to good education and physical rehabilitation,” ani Herrera-Dy.

Batay sa Under HB 6547 o mas kilala bilang Special Education Act of 2012 panahon na upang magtayo ng mga SPED Centers para sa mga “children with disabilities.”

Sinabi ni Herrera-Dy na ang mga SPED teachers at school administrators ay tatanggap ng sahod na katumbas ng “three grades higher than their counterparts in regular state-run schools.”

Hindi lamang, aniya, ang mga kabataang may kapansanan kungdi ang panukala ay nagbibigay din ng seminar at impormasyon sa mga magulang, kapatid at caregivers “acquire a working knowledge of special education, gain an understanding of the psychology of CSN and be aware of their crucial role as educators.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply