Pahayag ni Sen. Lacson ikinatuwa ni De Lima

IKINATUWA ni Justice Secretary Leila de Lima ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na handa niyang iendorso ang kumpirmasyon ng kalihim sa Commission on Appointments (CA).

Sinabi ng kalihim na natutuwa siya dahil sa wakas aniya ay naunawaan na rin ng senador na ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin noong panahong ipinaaaresto niya si Lacson na may nakabinbin noong warrant of arrest dahil sa Dacer Corbito double murder case.

Paliwanag pa ng kalihim na ang kanyang pagpupursige na mapahuli si Sen. Lacson ay walang bahid ng anomang uri ng pamemersonal.

Matatandaang uminit ang iringan sa pagitan ng dalawang opisyal nang iutos ni De Lima na tugisin at dakpin si Lacson dahil sa kasong kriminal sa Manila Regional Trial Court.

Gayunman, ang utos na paghuli sa senador sa katagalan ay pinawalang-bisa rin ng Court of Appeals.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply