Pahiwatig ng halalan

PARANG kailan lang, tayo ay sumugod sa mga voting center at pinili ang ating mga napupusuang nais nating maglingkod sa bayan. Sadyang napakabilis ng panahon dahil hindi natin halos namamalayan ang paglipas ng panahon dahil  mag-e-election na naman.

Ilang buwan na lamang ay idaraos na naman ang halalan, susugod na naman tayo sa mga voting center.  Iyan ay sa Mayo 2013 na. Katunayan, dalawang linggo na lamang ay sasadya na ang mga kandidato sa Commis-sion on Elections para sa filing of candidacy.

Itinakda ng Comelec ang petsang 1 hanggang 5 ng Oktobre para sa paghaharap ng kandida-tura ng mga tatakbo sa May 2013 election.

Ito’y  para mabigyan ng sapat na panahon ang Comelec sa pre-parasyon ng mga dokumento sa gaganaping automated election.

Sa batas, maliwanag kung ka-ilan magsisimula ang election campaign, pero sadya yatang matitigas ang ulo ng maraming kandidato. Dahil sa ngayon pa lamang sila’y nangangampanya na. Kanya-kanyang gimik, pero walang magawa ang Comelec sa kanilang maagang pangangampanya.

Sa mga barangay, palaging nakikita ang mga tatakbo sa election sa mga birthday celebration at iba pang kasiyahan. Pahiwatig ito na malapit na nga ang election.

JUETENG PROBE

Sa ika…th pagkakataon, mag-sasagawa ng jueteng investigation. At sa pagkakataong ito, ang bagu-hang si Sen. Koko Pimentel ang sponsor. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima …taon-taon may imbestigasyon pero wala namang nangyayari dahil nariyan pa rin ang jueteng.

Magkagayunman, suhestiyon natin, imbitahan ni Sen. Pimentel si Batangas police director C/Supt. Rosauro Acio sa gagawing Senate inquiry. Marahil ay si Col. Acio ang makapagbibigay ng tamang impor-masyon tungkol sa jueteng dahil ang kanyang hurisdiksiyon ay  namu-mutiktik ang jueteng.

Sa ulat kasi, ang nagpapatkbo  ngayon ng jueteng na hinango sa bola ng STL o Loterya ng Bayan ay dalawang babae: sina Minda at Nene na ‘front’ daw ng STL o LNB franchise holders para mag-patakbo ng STL-con jueteng o STL bookies. Ang dalawang lady gambling lords na ito ay guma-galaw sa bayan ng San Pascual at Bauan bilang sentro ng kanilang operasyon.

Milyones daw ang collection ng dalawang lady lords na ito, pero ang nakapagtataka, tahimik ang Batangas PNP.

Sen. Pimentel, si Col. Acio ay makapagbibigay ng mara-ming impormasyon tungkol sa jueteng operation na iyong sasaliksikin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply