Pakikipag-relasyon sa babae ng 2 male singer na kuwestiyonable ang gender, pinagtatawanan!

SO nakatatawa naman raw ang rebelasyon ng not so young but not so old na male singer na sila na ng biyuting celebrity.

At tuwing iniinterbiyu si nasabing singer, magaling siyang mag-project ha? At talagang pinaninindigan niyang tunay siyang mhin at walang bahid tulad ng intriga sa kanya before pa. Oh! Really is that so?

Hindi ba’t noon ay na-blind item ang tinutukoy nating mang-aawit na nagkaroon siya ng sexcapades with black American sa Cebu nang magkaroon siya ng show sa isang sikat na hotel roon some two years ago?

Muntik- muntikan na nga nitong ikapahamak ang pakikipag-churvahan sa said foreigner dahil napuwersa siya ng todo. Sige, pagbigyan na lang natin ang ilusyon ng ating kapatid. Pero ngayon pa lang, sinasabi na namin na tiyak na pagsisihan ni mahusay na celebrity ang kanyang pagpatol sa diumano’y bayotang singer?

What about the other singer na napababalitang pakakasalan na raw ang gf? Naku, naman! Sa mga social media sites, pareho lang silang pinagtatawan ng kapwa singer na boyfriend kuno ni actress.

Ang totoo raw kasi, lalaki rin ang hanap ng dalawa at front na lang nila ang girls na mga involved sa kanila. Saka si tsinitong singer, dyowa-dyowaan siya ng kanyang mana- ger kaya sanay na sanay na siya talaga sa man to man relationship. What else is new gyud!

***

Aminan it hiwalayan ng mga celebrity unang napapanood sa No. 1 Sunday showbiz talk show na THE BUZZ

BAGO maglabasan at pagpiyestahan sa radyo, tabloids, broadsheets at social media sites, una muna itong napanonood sa The Buzz.

Ang mga big revelations ng mga sikat na celebrities specially Kapamilya stars about their lovelife mula sa kanilang pag-amin at hiwalayan tulad ng mga mag-ex na ngayong sina KC Concepcion at Piolo Pascual, Angelica Panganiban and Derek Ramsay, Shaina
Magdayao and ex John  Lloyd Cruz, sa The Buzz umamin ang mga nabanggit na Kapamilya stars at dito rin nila pinasabog ang malungkot na break-up sa isa’t-isa. Hindi lang ‘yan halos lahat ng mga isyu na pinag-uusapan sa showbiz ay kinuha sa The Buzz.

Kasi ang mga hosts ng No. 1 Showbiz Talk Show led by King of Talk Kuya Boy Abunda, The Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga and ex Beauty Queen Charlene Gonzales ay pare-parehong mga scoopers, particularly itong si Kuya Boy na pawang first hand ang kanyang mga news na ibinabato sa show na lahat credible.

Yes, nang i-divulged nito two Sundays ago sa kanilang programa na ayon sa kanyang very reliable source ay si John Lloyd ang nag-post sa Instagram ni Angelica Panganiban ng sweet moments nila ng young actress na sinasabing girlfriend na ng actor, ultimano sa kanyang exclusive na panayam rin sa The Buzz ay kaagad na inamin ni Angelica na si Lloydie nga ang nag-post ng kanilang Perfect Sunday na larawan sa kanyang Instagram account.

Ganyan kabilis at ka-astig ang The Buzz pagdating sa mga latest and hot entertainment news. Kaya para huwag mabitin at mahuli, watch na ng The Buzz every Sunday 4:00 pm to 6:30 pm after ng LUV U sa ABS-CBN 2.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply