Palasyo dedma sa gimik ng filing ng CoCs

WALANG pakialam ang Malakanyang sa gimik ng mga kandidato na maghahain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sa darating na Lunes, Oktubre 1 sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi siya aware kung ano ang plano ng isang kandidato para sa paghahain ng CoC nito.

“It’s election season. They will determine their own, ano, their own activities. kasi ‘pag indecent iba ‘yung naiisip ko. But it will be up to the candidates to comport themselves in the manner that they deem fit,” pahayag ni Valte.

Sa kabilang dako, inamin ni Valte na maging siya ay walang ideya kung ano ang magiging gimik ng mga taga-Liberal Party kapag naghain na ang mga kandidato nito ng kanilang CoC.

Sa ulat, umapela naman ang Comelec sa mga kandidatong maghahain ng certificate of candidacy (CoC) sa Lunes na hangga’t maaari ay iwasang magdala ng banda ng musiko.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ngayong maiksi umano ang araw ng paghahain ng CoC ay gawin sana itong makabuluhan.

Ani Jimenez, hangga’t maaari ay iniiwasan nilang magpang-abot ang magkabilang partido na lalo pang magpapainit sa sitwasyon lalo na kung may malaking production ang bawat kandidato o mga gimik at pakulo.

Pakiusap pa nito sa mga politiko na sana’y gawing matiwasay ang paghahain ng CoC para matapos ng maaga ang proseso.

Magsisimula ang filing of CoC sa Lunes, October 1 at magtatapos sa Biyernes, October 5.

Muling igiit ng poll body na wala nang magiging extension pa sa paghahain ng kandidatura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply