Palasyo dedma sa pagsirit ng presyo ng LPG

NAGKIBITBALIKAT lamang ang Malacañang na wala silang magagawa sa patuloy na pagtataas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Batay sa presyuhan ng LPG Marketers Association (LPGMA), magiging P800 na ang bentahan ng kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, deregulated ang industriya ng petroleum products kaya wala silang magagawa para makontrol ang presyuhan.

Ayon kay Valte, hahayaan nilang ipaliwanag ng Department of Energy (DoE) ang nasabing pagtataas ng LPG price.
.
Nauna rito, P6.00 ang ipinataw ng ilang LPG dealers sa kada kilo ng produkto o kabuuang P66.00 na dagdag sa presyo ng bawat 11 kilong tangke.

Noong nakaraang linggo, una nang nagpaalala ang DOE na mararamdaman na sa buwan ng Setyembre ang bagong price adjustment dahil sa pagtaas ng presyo ng mga producktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Sa naunang pahayag ni DOE Oil Industry Management Bureau director Zenaida Monsada, tinukoy ng opisyal ang tensyon sa mga bansa sa Middle East na isa sa mga dahilan ng price adjustment.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply