Palasyo sa hackers: Dumulog sa tamang forum

HINAMON ng Malakanyang ang mga hacker ng mga private government websites na magpunta sa tamang forum kung talagang isinusuka nila ang anti-cybercrime law.

Para kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi makukuha ng mga hacker ang simpatiya ng taumbayan kung mali ang paraan nila ng pagprotesta para sa naturang panukalang batas.

Aminado naman si Sec. Lacierda na posibleng mahina ang IT firewall ng ilang ahensya ng pamahalaan kaya’t nabiktima ng mga hacker.

“That’s why we had coordination with the DOST po and yun mga ibang agencies po maayos po a ng kanilang firewall for instance the PCDSPO and Official Gazette somebody tried to do a denial service attack again on the Official gazette website they failed to do that. And because of the recent past the DOST has been going to the various agencies to make sure that the websites are properly firewalled. Again this is a continuing campaign pinapatibay ang ating websites,” ani Lacierda.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung posibleng maging bukas ang Malakanyang na amyendahan ang probisyon ng anti-cybercrime law.

Samantala, naniniwala si Lacierda na may karapatan ang kahit na sinuman na magsulat at ihayag ang kanyang sarili subalit kailangan lamang aniya ay may kaakibat na responsibilidad.

Nagpasalamat naman ang Malakanyang na hindi nakakuha ng sensitive information ang mga hacker na umatake sa website na tumututol sa anti-cybercrime law.

“I think no sensitive materials were lifted from the websites,” mariing pahayag ni Lacierda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply