Palasyo umaasa na maipapasa ng Kongreso ang FOI bill

UMAASA ang Malakanyang na magiging maayos ang deliberasyon ng Kongreso sa Freedom of Information bill.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, kapwa pinadalhan na ng draft ng Malakanyang ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa usaping ito.

Bahala na ang Kongreso na tapusin ang FOI bill batay sa kanilang timetable.

Ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay kasalukuyan ngayon naka-break kung saan magre- resume ang kanilang sesyon sa darating na Oktubre 8.

Kamakalawa, Setyembre 21 ay nagsanib puwersa ang mga obispo ng Simbahang Katoliko at media watchdog groups na manawagan na agad na ipasa ang Freedom of Information bill, sa pagsasabing ang pag-access sa impormasyon ay makakapagbigay ng pagkakataon sa publiko na magkaroon at maipanatili ang good governance.

Nagtungo naman ang ilang kinatawan ng National Press Club sa Kongreso upang makipagkita sa mga mambabatas at tiyakin na ang nasabing FOI bill ay maipapasa.

Ang panawagan naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kay President Benigno Aquino III ay gawing priority measure ang FOI bill.

“Unless the president sees the urgent need to pass the FOI bill, his campaign [on honest governance] is only a slogan, and has no firm basis,” ayon kay Pabillo.

Kapag naipasa ang FOI bill at maging ganap na batas ay mapipilitan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na mag-provide ng buong detalye ng isang usapin na kinukunsiderang may public interest.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply