Palawan exhibitors lalahok sa OTOP National Expo

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Set. 5 (PIA) — Apat na exhibitors mula sa Palawan ang lalahok sa One Town One Product (OTOP) National Expo na gaganapin sa Setyembre 19-23 sa Megatrade Hall ng Megamall sa Mandaluyong City.

Ang apat na kalahok ay ang lokal na pamahalaan ng Taytay, Palawentas Handicrafts ni G. Dindo Dacasin, ang Exotic Delicacies of Palawan ni Anna So mula sa Brooke’s Point, at ang Provincial Economic Enterprise Development Office.

Itatanghal ng LGU Taytay at ng Exotic Delicacies ang produktong galing sa dagat (marine products). Para sa LGU Taytay, magmumula sa MS Balirete Enterprise ang mga produkto na itatanghal nito tulad ng crab meat, dinaing na isda at iba pa.

Itatanghal ng PEEDO ang iba’t ibang pagkain na OTOP ng mga munisipyo na mula sa kasuy, niyog at saging. Mga kakaibang wood carvings na gawa ng ilang indigenous groups, mga ilawan at wind chimes ang ipapamalas ng Palawentas Handicrafts.

Layunin ng OTOP National Expo na palakasin ng publiko ang kaalaman, pagpapahalaga, at pagmamalaki sa mga produktong kabilang sa One Town One Product ng iba’t ibang bayan. Bukod sa display, maaari rin magbenta ang mga exhibitor sa Expo.

Ang OTOP ay isang national government program na naglalayon na itaguyod ang kaunlaran ng ekonomiya sa kanayunan sa pamamagitan ng pagnenegosyo at paglikha ng trabaho.

Pinamamahalaan ang OTOP ng Department of Trade and Industry.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply