Pambato ni Ms. Pilita naubos: Joan Da sinipa na sa X Factor Philippines

NAUBOS na ang mga pambato ni mentor-judge Pilita Corrales sa Over 25s category sa X Factor Philippines matapos tuluyang pauwiin kagabi si Joan Da.

Nakasama ni Joan sa bottom 2 si Allen Sta. Maria ng mula sa Under 25 Girls category ni mentor-jugde Charice.

Ngunit sa performance kagabi ng bottom 2 ay nagningning si Allen kaya naman mas pinili nina mentor-judge Gary V at Martin Nievera si Allen over kay Joan. Sina Charice, Matin and Gary ang nag-vote out kay Joan habang si Ms Pilita lamang ang nag-vote out kay Allen.

Kumpleto pa rin ang mga manok ni Martin sa Under 25 Boys category na sina Jeric, Kedebon at Gab. Nakatutuwang pasok pa rin sa kompetisyon ang kontrobersyal na si Kedebon na dumarami ang bashers sa online world.

Lalaban pa rin sina Allen at KZ Tandingan mula sa Under 25 Girls category ni Charice.

Anim na lang ang natitira? Sinu-sino pa kaya ang magpapaalam at sino ang matitira at tatanghalin kauna-unahang X Factor Philippines champion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply