Pananabotahe sa Puno probe itinanggi

PINABULAANAN ni Communications Secretary Ricky Carandang ang mga akusasyong inimpluwensyahan diumano ng Palasyo ang mga senador para hindi sumipot sa hearing ngayong araw sa Senado hinggil sa kontrobersyal na DILG Undersecretary na si Rico Puno.

Sa budget hearing ay nagmistulang naghugas kamay si Carandang kaugnay sa pagsalag ng Palasyo sa imbestigasyon ng Senado sa iregularidad na ngayon ay ipinupukol kay Puno.

Iginiit pa ni Carandang na ang panloob na usapin ng Senado na hindi nila maaaring panghimasukan.

Nakahanda, aniya, ang mga opisyal ng administrasyon na sumunod sa mga imbitasyon ng Senado kaugnay ng pag-iimbestiga kay Puno basta nasusunod din ang proseso ng mataas na Kapulungan.

Ngunit kailangan, aniyang, desisyunan muna ng Senado kung alin ang tamang komite na nararapat na humawak sa naturang isyu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply