Pandaigdigang pamantayan sa kasambahay, maisasakatuparan sa loob 1 taon

MAS may proteksiyon na ang mga kasambahay sa bansa bunsod ng pagkakaratipika ng ILO Convention 189 (C189) on Decent Work for Domestic Workers.

Dahil sa loob lamang ng 12 buwan ay magkakaroon na ng kauna-unahang pandaigdigang pamantayan para sa mga domestikong manggagawa tulad ng mga kasambahay sa ating bansa.

Ang unang bansang nagratipika ng C189 ay ang Uruguay at pumangalawa naman ang Pilipinas.

Isang pandaigdigang kasunduan ang C189 na pinagbibigkis ay ang mga miyembrong estado na magraratipika nito kasabay ang pagbibigay ng mga rekomendasyon na may kumpletong detalye bilang gabay sa pagpapatupad ng naturang Convention.

“The ratification by the Philippines sends a powerful signal to the millions of domestic workers who will be protected when the Convention comes into force. I hope it will also send a signal to other member States and that we will soon see more and more countries committing to protect the rights of domestic workers,” sabi ni ILO Director-General Juan Somavia.

Pinalawak pa ng makasaysayang Convention ang pamantayan ng ILO para sa isang sector na patuloy na hindi nareregularisa at ang malaking bahagi ay nananatiling bahagi ng informal na ekonomiya.

Sa pinakahuling pag-estima ng ILO, batay sa pambansang mga surveys at census sa 117 bansa, nasa 53 milyon ang populasyon ng mga domestikong manggagawa ngunit kadalasan kasing itinatago at hindi nakarehistro ang mga ito kaya naniniwala ang mga eksperto na nasa 100 milyon ang mga ito.

Sa mga papaunlad pa lamang na mga bansa, 4 hanggang 12 porsiyento ng wage employment ay binubuo ng mga domestikong manggagawa at nasa 83 porsiyento ng mga ito ay mga kababaihan na ang iba nga’y kabataan pa at mga migrante. Nasa 3.6 porsiyento ng wage employment ay binubuo ng mga domestic workers sa buong daigdig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply