Panday tinarakan sa dibdib, todas

TAGUIG CITY – Patay ang isang panday o karpintero matapos itong tarakan ng patalim sa dibdib ng kanyang kasamahan sa loob ng construction site sa itinatayong gusali ng hospital sa MR Cruz, Barangay Ibayo Ususan ng nasabing lungsod Biyernes ng gabi (Agosto 31).

Kinilala ng mga elemento ng Investigation Detective Management Section ang biktima na si David B. Javier Jr., 29, binata, karpintero, nakatira sa 27 Bliss Mabilao, Brgy. San Fabian, Pangasinan habang ang itinuturong salarin naman ay nakilala rin sa pangalan nitong Bertuldo Anito, 49, lead-man, nakatira sa Bagtic Libertad, Negros Oriental.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis sa mga saksi sa nangyaring krimen, sinabi ng mga ito na dakong alas 9:20 ng gabi ng makita nilang nasa kasagsagan ng pag-iinuman ang grupo ng nasawi ng bigla pumasok si Anito sa loob ng kanilang tinutuluyang barracks at nagbabalang ayaw nito ng nag-iingay.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahilan upang mabuyo si Anito na bumunot ng patalim at undayan ng saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang nakaalitan.

Nasukol ng mga obrero ang pinaniniwalaang salarin na nagtangkang tumakas at sa tulong ng isang security guard na nagngangalang Jesus P. Abelgas Jr., ay mabilis itong naisuko sa mga awtoridad.

Nagsagawa rin ng masusing pagsisiyasat ang SOCO sa pinangyarihan ng krimen.

Nahaharap sa kasong homicide ang ikinulong na salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply