Pang-12 salvage victim sa Kyusi naitala

ILANG araw pa lamang ang nakalipas matapos ikalat ang dalawang biktima ng summary execution, isa na namang salvage victim ang natagpuan sa Quezon City, kaninang madaling araw.

Ang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki na may tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay panglabing-dalawa na biktima ng summary execution sa loob lamang ng isang buwan.

Inilarawan ito na nasa 35 hanggang 38-anyos, nakasuot ng puting T-shirt at blue denim pants at binalutan ng masking tape sa buong mukha.

Bukod pa rito, patalikod na tinalian ang dalawang kamay at paa nito ng lubid at may patalantadaan na pinahirapan muna ito bago nilikida.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation anf Detection Unit (QCPD-CIDU), angbangkay ay natuklasan ng isang lalaking nagbibisikleta sa kanto ng Congressional at Tandang Sora Avenue dakong alas-12:45 ng madaling araw.

Hinala ng CIDU investigators, na pinatay ang biktima sa ibang lugar at saka itinapon ang bangkay sa lugar upang ilihis ang ikakasa nilang imbestigasyon.

Narekober sa tabi ng bangkay ang ilang basyo ng baril.

Nito lamang nakaraang Biyernes, dalawang salvage victims ang ikinalat sa Geneva Garden sa Commonwealth Avenue sa Barangay North Fairview kaya tila mababansagan na naman ang lungsod na capital city of salvage victims.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply