Pang-58 na biktima sa Maguindanao massacre kinilala na

KINILALA na ng Department of Justice (DOJ) ang ika-58 biktima ng masaker sa Maguindanao noong 2009.

Kahit hindi pa natatagpuan ang bangkay, isinama na ng DOJ si Reynaldo Momay sa listahan ng mga biktima ng karumal-dumal na masaker nang matagpuan ang ilang bahagi ng kanyang ngipin sa crime scene kung saan inilibing ang 57 iba pang biktima.

Idinawit ang Ampatuan clan sa malagim na masaker na sinasabing nag-ugat sa pulitika.

Kabilang sa mag nasawi ang 32 mamamahayag at iba pang supporter ng karibal sa pagkagobernador ng mga Ampatuan na si Gov. Esmael Mangudadatu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply