Pang-iipit daw sa PDAF ng Arroyos sasagutin

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Budget and Management (DBM) na sagutin ang alegasyon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Cong. Gloria Macapagal-Arroyo na hanggang ngayon ay iniipit ang kanyang pork barrel pati ng kanyang dalawang anak na kongresista at dalawang kaalyado para sa taong kasalukuyan.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na si DBM Sec. Butch Abad ang nasa posisyon para sagutin ang isyung ito dahil ang Priority Development Assistance Fund allocation (PDAF) ay inilalabas ng DBM at hindi ng Malakanyang.

Bukod dito, mahigpit at may panuntunan na aniya ang pagpapalabas ng pork barrel para sa isang mambabatas.

“Hindi naman‘yan binibigay agad. Meron mga guidelines, may mga proposals, may mga requirements before it is given out. And Secretary Abad will be in a better position to know whether a proposal has been submitted or not ,” ani Valte.

Bahala na rin, aniya, si Sec. Abad na magbigay linaw sa isyung hindi kasi nagsumite si Mrs. Arroyo ng kanyang project proposal kaya’t hindi naibigay ng DBM ang kanyang pork barrel.

“Then it would be Secretary Abad who will be in a position to either confirm that or deny because we don’t have that particular piece of information. I’m referring to whether CGMA has not submitted any project proposal for her PDAF,” ani Usec. Valte.

Bukod kay Mrs. Arroyo, ay hindi pa rin nakakatanggap ng kani-kanilang pork barrel sina congressmen-sons, Diosdado o Dato ng Camarines at Juan Miguel o Mikey ng party-list group Ang Galing Pinoy, ay nananatiling “pork-less” maging sina Cong. Mitos Magsaysay ng Zambales at Augusto Syjuco Jr. ng Iloilo.

Noong nakaraang taon ay nakatanggap si Mrs. Arroyo ng P30.8 million ng kanyang annual P70-million Priority Development Assistance Fund allocation. Ang PDAF ang opisyal na pangalan ng congressional pork barrel.

“Out of her P30.8-million releases, she allocated P20 million for her district and shared the remaining P10.8 million with Dato, Magsaysay and five other allies – Danilo Suarez of Quezon, Amelita Villarosa of Mindoro Occidental, Martin Romualdez of Leyte, Marc Cagas of Davao del Sur, and Arthur Yap of Bohol,” ang nakasaad sa ulat.

Sa kabilang dako, hindi katulad ng dating Pangulo, sina Dato at Magsaysay, ang lahat ng limang kaalyado ni Mrs. Arroyo ay nakatanggap ng kanilang buong P70-million PDAF allocations noong nakaraang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply